Ang Pag-aaral ng Chess King (https://learn.chessking.com/) ay isang bukod tanging koleksyon sa pag-aaral ng chess. Nakapaloob dito ang taktika, stratehiya, panimulang hakbang, kalagitnaan ng laro, at pagtatapos ng laro, sa magkahiwalay na antas mula sa baguhan hanggang sa bihasa at kahit na sa mga propesyonal na manlalaro.
Sa tulong ng programang ito, mapapahusay mo ang iyong kaalaman sa chess, matutunan ang mga bagong taktika at kombinasyon kalakip na ang kasanayan mula sa nakuhang aral.
Ang programang ito ay kumakatawan bilang tagasanay na nagbibigay ng gawaing dapat lutasin at tumutulong din sa paglutas kung sakaling ikaw ay hindi makausad. Ito ay magbibigay sa iyo ng mungkahi, paliwanag at magpapakita ng di pangkaraniwang pagkontra sa mga pwedeng mangyaring pagkakamali.
Ang ilang kurso ay ang teoretikal na bahagi na nagpapaliwanag sa mga pamamaraan sa ilang yugto ng laro base sa totoong halimbawa. Ang teorya ay ipinapakita sa paraan ng pakikipag-ugnayan. Kumbaga, hindi ka lamang nagbabasa kundi ginagawa mo din ang pagkilos ng pyesa sa board at paghahanap ng solusyon sa mga hindi siguradong kilos ng mga pyesa.
Pakinabang ng programa:
♔ Dekalidad na mga halimbawa, ito ay wasto dahil lahat ay sinuri ng mabuti
♔ Kailangan mong sundin ang mga pangunahing kilos na iniuutos ng tagapagturo
♔ Iba-ibang antas ng mga kumplikadong gawain
♔ Ilang layunin na kailangang maabot
♔ Nagbibigay ng mungkahi kung may nagawang mali
♔ Para sa karaniwang maling kilos, may makikita kang palatandaan
♔ Pwede kang makipaglaro sa kompyuter sa kahit anong posisyon ng mga gawain
♔ Teoretikal na leksyon sa pakikisalamuha
♔ Maayos na talaan ng nilalaman
♔ Sinusubaybayan din ng programa ang pagbabago sa grado (ELO) ng manlalaro sa pag-aaral
♔ Madaling kaayusan para sa pagsusuri
♔ Pwede mong lagyan ng palatandaan ang mga paborito mong pagsasanay
♔ Ang aplikasyon ay mai-aakma sa malaking iskren ng tablet
♔ Tinitiyak na tao ang sumalin nito sa Filipino at hindi kompyuter
♔ Hindi mo na kailangan ng koneksyon sa internet para sa aplikasyon na ito
♔ Pwede mong i-link ang app sa iyong libreng Chess King at pwedeng magkasabay na sagutan ang isang kurso sa ilang instrumento tulad ng Android, iOS at Web
♔ Nahahati ang app sa paksa at antas para makakapili ka ng pinakaangkop na kurso
Bawat kurso ay may libreng bahagi na kung saan pwede mong subukan ang programa at mga pagsasanay. Gumagana ang lahat ng leksyon sa libreng bahagi. Hinahayaan kang masuri ang aplikasyon bago bilhin ang buong bersyon. Bawat kurso ay nabibili ng magkahiwalay, pero maaari ka ring bumili ng subskripsyon na makakapagbigay sa iyo ng daan sa lahat ng kurso sa limitadong panahon.
Maaari mong aralin ang sumusunod na kurso sa app:
♔ Pinakabagong Depensa (Palaisipan sa Chess)
♔ Paghuli ng Piyesa Parte 1 (Palaisipan sa Chess)
♔ Paghuli ng Piyesa Parte 2 (Palaisipan sa Chess)
♔ Alexander Alekhine - Kampeon sa Chess
♔ Viswanathan Anand - Kampeon sa Chess
♔ Mikhail Botvinnik - Kampeon sa Chess
♔ Jose Raul Capablanca - Kampeon sa Chess
♔ Magnus Carlsen - Kampeon sa Chess
♔ Bobby Fischer - Kampeon sa Chess
♔ Sergey Karjakin - Piling Manlalaro sa Chess
♔ Garry Kasparov - Kampeon sa Chess
♔ Vladimir Kramnik - Kampeon sa Chess
♔ Emanuel Lasker - Kampeon sa Chess
♔ Wilhelm Steinitz - Kampeon sa Chess
♔ Mikhail Tal - Kampeon sa Chess
♔ CT-ART 4.0 (Taktika sa Chess 1200-2400 ELO)
♔ Taktika sa Chess para sa mga Baguhan
♔ Panimulang Taktika sa Chess 1
♔ Panimulang Taktika sa Chess 2
♔ Pag-aaral sa Katapusang laro sa Chess
♔ Ensiklopedya ng mga Kombinasyon sa Chess Bol. 1 Informant
♔ Ensiklopedya ng mga Kombinasyon sa Chess Bol. 2 Informant
♔ Ensiklopedya ng mga Kombinasyon sa Chess Bol. 3 Informant
♔ Manwal sa Kombinasyon sa Chess
♔ Bitag sa 2 galaw (Palaisipan sa Chess)
♔ Bitag sa 3-4 galaw (Palaisipan sa Chess)
♔ Bitag sa 1 galaw (Palaisipan sa Chess)
♔ Palpak na Pagbubukas sa Chess
♔ Simpleng Depensa (Palaisipan sa Chess)
* Added training mode based on Spaced Repetition - it combines erroneous exercises with new ones and presents the more suitable set of puzzles to solve.
* Added ability to launch tests on bookmarks.
* Added daily goal for puzzles - chose how many exercise you need to keep your skills in shape.
* Added daily streak - how many days in a row the daily goal is completed.
* Various fixes and improvements