Ang Signal ay isang messaging app na palaging inuuna ang privacy. Ito'y libre at madaling gamitin, at mayroong strong end-to-end encryption para mapanatiling private ang inyong communication.
• Mag-send ng texts, voice messages, photos, videos, stickers, GIFs, at files nang libre. Ginagamit ng Signal ang iyong data connection para maiwasan mo ang SMS at MMS fees.
• Tawagan ang friends mo sa aming crystal-clear encrypted voice at video calls. Ang group calls naman ay pwede ang hanggang 40 na tao.
• Manatiling konektado gamit ang group chats kung saan pwede ang hanggang 1,000 tao. Kontrolin kung sinong pwedeng mag-post at i-manage ang group members sa pamamagitan ng admin permission settings.
• Mag-share ng image, text, at video Stories na mawawala pagkatapos ng 24 oras. Ang Privacy settings ay makatutulong para mapili mo kung sino ang pwedeng makakita ng bawat Story.
• Ang Signal ay ginawa para sa privacy mo. Wala kaming alam tungkol sa'yo o sa taong kausap mo. Ang aming open source Signal Protocol ay nangangahulugan na hindi namin pwedeng basahin ang messages mo o makinig sa mga tawag mo. At hindi rin ito pwedeng gawin ng kahit sino. Walang back door, walang data collection, walang compromise.
• Ang Signal ay independent at hindi binuo para kumita; ito'y ibang klase ng tech mula sa ibang klaseng organisasyon. Bilang isang 501c3 nonprofit, kami'y suportado ng inyong mga donasyon, hindi ng advertisers o investors.
• Para sa karagdagang suporta, katanungan, at iba pang impormasyon, bisitahin ang https://support.signal.org/
Para makita ang aming source code, bisitahin ang https://github.com/signalapp
I-follow kami sa Twitter @signalapp at Instagram @signal_app
★ We added support for the latest emoji characters, so now you can express your disbelief with "Shaking Face" (🫨) or react with a "Pea Pod" (🫛) when someone asks you how close you are to your friends.