Sa Google Camera, tiyak na wala kang mapapalampas na sandali – kumuha ng mga larawan at video gamit ang mga feature gaya ng Portrait, Night Sight, at mga video stabilization mode.
Mga Feature
• HDR na may Mga Kontrol sa Exposure at White Balance - Kumuha ng mga larawan gamit ang HDR para sa napakagagandang larawan, lalo na kapag madilim o may backlight.
• Top Shot - Piliin ang pinakamagandang sandali gamit ang Top Shot. Awtomatiko nitong inirerekomenda ang pinakamagagandang larawan, kung saan walang nakapikit at maayos ang lahat.
• Night Sight - Hinding-hindi mo na gugustuhing gamitin ulit ang iyong flash. Sa Night Sight, umaangat ang lahat ng detalye at kulay na hindi nakikita sa dilim. Puwede mo pa ngang kunan ng larawan ang Milky Way!
• Super Res Zoom - Gamit ang Super Res Zoom, nagiging mas malinaw ang iyong mga larawan kapag nag-zoom in ka.
• Motion Mode - I-capture ang galaw ng buhay. Kumuha ng mga larawang may Long Exposure at Action Pan sa propesyonal na kalidad.
• Long Shot - Kumuha ng mga casual at mabilis na video sa pamamagitan lang ng matagal na pagpindot sa shutter key sa default camera mode.
Mga Kinakailangan - Gumagana lang ang pinakabagong bersyon ng Google Camera sa mga Pixel phone na gumagamit ng Android 12 at mas bago. Hindi sa lahat ng device available ang ilang feature.