Bitag sa 3-4 galaw (Chess)
Board | 23.7MB
Ang kursong ito ay may 2500 na pagsasanay sa pagbibitag sa loob ng tatlo hanggang apat na galaw. Kailangan mong gamitin ang iyong imahinasyon at tamang kalkulasyon para mahanap ang tamang pag-atake sa hari. Pagkatapos ng kursong ito, siguradong madagdagan ang iyong kakayahan at abilidad at ito'y isang oportunidad kung saan maaari mong ilapat at magamit sa iyong tunay na laro. Ang programang ito ay para sa mga sanay nang manlalaro at baguhan. Lahat ng pagsasanay ay galing sa mga tunay na laro at inayos ayon sa pangalan ng piyesa at antas ng hirap.
Ang kursong ito ay serye ng Pag-aaral ng Chess King (https://learn.chessking.com/), na walang kasing katulad sa pamamaraan ng pagtuturo. Nakapaloob dito ang taktika, stratehiya, panimulang hakbang, kalagitnaan ng laro, at pagtatapos ng laro, sa magkahiwalay na antas mula sa baguhan hanggang sa bihasa at kahit na sa mga propesyonal na manlalaro.
Sa tulong ng kursong ito, mapapahusay mo ang iyong kaalaman sa chess, matutunan ang mga bagong taktika at kombinasyon kalakip na ang kasanayan mula sa nakuhang aral.
Ang programang ito ay kumakatawan bilang tagasanay na nagbibigay ng gawaing dapat lutasin at tumutulong din sa paglutas kung sakaling ikaw ay hindi makausad. Ito ay magbibigay sa iyo ng mungkahi, paliwanag at magpapakita ng di pangkaraniwang pagkontra sa mga pwedeng mangyaring pagkakamali.
Pakinabang ng programa:
♔ Dekalidad na mga halimbawa, ito ay wasto dahil lahat ay sinuri ng mabuti
♔ Kailangan mong sundin ang mga pangunahing kilos na iniuutos ng tagapagturo
♔ Iba-ibang antas ng mga kumplikadong gawain
♔ Ilang layunin na kailangang maabot
♔ Nagbibigay ng babala kung may nagawang mali
♔ Para sa karaniwang maling kilos, may makikita kang palatandaan
♔ Pwede kang makipaglaro sa kompyuter sa kahit anong posisyon ng mga gawain
♔ Maayos na talaan ng nilalaman
♔ Sinusubaybayan din ng programa ang pagbabago sa grado (ELO) ng manlalaro sa pag-aaral
♔ Madaling kaayusan para sa pagsusuri
♔ Pwede mong lagyan ng palatandaan ang mga paborito mong pagsasanay
♔ Ang aplikasyon ay mai-aakma sa malaking iskren ng tablet
♔ Tinitiyak na tao ang sumalin nito sa Filipino at hindi kompyuter
♔ Hindi mo na kailangan ng koneksyon sa internet para sa aplikasyon na ito
♔ Pwede mong i-link ang app sa iyong libreng Chess King at pwedeng magkasabay na sagutan ang isang kurso sa ilang instrumento tulad ng Android, iOS at Web
Ang kurso ay mayroon ding libreng bahagi na kung saan pwede mong suriin ang programa. Gumagana ang lahat ng leksyon sa libreng bahagi. Hinahayaan kang masuri ang aplikasyon bago binibigay ang sumusunod na paksa:
1. Hari Reyna
2. Hari Tore
3. Hari Obispo
4. Hari Kabalyero
5. Hari Kawal
6. Reyna
7. Reyna Tore
8. Reyna Obispo
9. Reyna Kabalyero
10. Reyna Kawal
11. Tore
12. Tore Obispo
13. Tore Kabalyero
14. Tore Kawal
15. Obispo
16. Obispo Kabalyero
17. Obispo Kawal
18. Kabalyero
19. Kabalyero Kawal
20. Kawal
21. Pagbitag gamit ang kahit na anong piyesa
* Added training mode based on Spaced Repetition - it combines erroneous exercises with new ones and presents the more suitable set of puzzles to solve.
* Added ability to launch tests on bookmarks.
* Added daily goal for puzzles - chose how many exercise you need to keep your skills in shape.
* Added daily streak - how many days in a row the daily goal is completed.
* Various fixes and improvements
Na-update: 2023-07-05
Kasalukuyang Bersyon: 2.4.2
Nangangailangan ng Android: Android 5.0 or later