Ang BrailleBack ay Serbisyo sa Pagiging Naa-access na nakakatulong sa paggamit ng mga braille device ng mga bulag na user. Ginagamit ito kasabay ng TalkBack app para magbigay ng pinagsamang karanasang gumagamit ng braille at pagsasalita.
Nagbibigay-daan ang app na ito para maikonekta mo ang iyong device sa sinusuportahang nare-refresh na braille display sa pamamagitan ng Bluetooth. Ipapakita sa braille display ang content sa screen, at magagawa mong mag-navigate at makipag-ugnayan sa iyong device gamit ang mga key sa display. Posibleng mag-input ng text gamit ang braille keyboard.
Mga device na sinusuportahan sa bersyong ito:
• APH Refreshabraille
• Baum VarioConnect
• Baum VarioUltra
• Esys EuroBraille
• Freedom Scientific Focus Blue (14 at 40 cell na modelo)
• HandyTech (Basic Braille, Active Braille, Braille Star, Braille Wave, Braillino, Easy Braille)
• Harpo (Braillepen 12, Braillepen 12 Touch)
• HIMS (BrailleSense, Braille EDGE)
• Humanware Brailliant (1st generation at BI na modelo)
• Optelec Alva (BC640, BC680), Easylink 12 touch
• Orbit Reader 20
• Papenmeier Braillex Trio
• Seika (notetaker at 40 cell na display)
Hindi aktibo ang app na ito bilang default.
Mga hakbang sa pag-activate ng app na ito:
• Pumunta sa Mga Setting
• Piliin ang Pagiging Naa-access
• Piliin ang BrailleBack, at i-on ang switch
• Bumalik sa Mga Setting
• Piliin ang Bluetooth
• Kung hindi nakapares ang iyong Bluetooth na braille display, tiyaking nasa pairing mode ang display, at ipares ang display mo sa pamamagitan ng Mga Setting ng Bluetooth
Para sa mga karagdagang tagubilin, pindutin ang space bar at ang mga tuldok ng 1, 2, at 3 sa display nang sabay-sabay. Kung walang braille na input key ang iyong display, piliin ang tulong sa Keyboard sa mga setting ng BrailleBack.
• Gamitin ang grade 2 mode para sa mga talahanayan ng Braille na sumusuporta nito.
• Magpalipat-lipat sa grade 1 at grade 2 na input gamit ang shortcut na space g.
• I-on o i-off ang pag-wrap ng salita.
• Suporta para sa Braille display ng VarioUltra, at murang Braille display ng Orbit Reader 20.
• Mga bagong earcon.