Instant Transcribe
Pakikipag-ugnayan | 25.5MB
Pinapadali ng Instant Transcribe at Mga Notification sa Tunog ang access sa pang-araw-araw na pag-uusap at tunog sa paligid para sa mga bingi at may problema sa pandinig, gamit lang ang iyong Android phone.
Sa karamihan ng mga telepono, puwede mong direktang i-access ang Instant Transcribe at Mga Notification sa Tunog gamit ang mga hakbang na ito:
1. Buksan ang app na Mga Setting ng device.
2. I-tap ang Accessibility saka ang Instant Transcribe o Mga Notification sa Tunog, depende kung saan mo gustong magsimula.
3. Gamitin ang button, galaw, o mabilisang setting ng Accessibility (
https://support.google.com/accessibility/android/answer/7650693
) para simulan ang Instant Transcribe o Mga Notification sa Tunog.
Mga Notification sa Tunog:
• Maabisuhan tungkol sa mga potensyal na mapanganib at personal na sitwasyon batay sa mga tunog sa bahay (halimbawa, tunog ng smoke alarm, wangwang, sanggol).
• Makatanggap ng mga notification sa pamamagitan ng nagfa-flash na ilaw o pag-vibrate sa iyong mobile device o nasusuot.
• Mababalikan mo ang mga pangyayari gamit ang Timeline (kasalukuyang limitado sa 12 oras) para makita kung ano ang nangyari sa paligid mo.
Real-time na pag-transcribe:
• Nagta-transcribe nang real-time. Lalabas ang text sa telepono mo habang may nagsasalita.
• Pumili sa mahigit 80 wika at diyalekto, at mabilis na magpalit ng wika.
• Magdagdag ng mga custom na salitang madalas mong gamitin, gaya ng mga pangalan o gamit sa bahay.
• Ipa-vibrate ang iyong telepono kapag may nagsabi ng pangalan mo.
• Mag-type ng mga tugon sa iyong pag-uusap. Ilabas ang keyboard ng telepono mo at mag-type para tuloy-tuloy ang dialogue. Lalabas pa rin ang mga transkripsyon habang nagta-type ka.
• Makita ang lakas ng boses ng nagsasalita kumpara sa ingay sa paligid. Magagamit ang indicator ng tunog na ito para i-adjust ang volume habang nagsasalita ka.
• Gumamit ng mga external na mikropono sa mga wired na headset, Bluetooth headset, at USB mic para sa mas magandang reception ng audio.
Pagbalik sa transkripsyon:
• Piliing mag-save ng mga transkripsyon nang 3 araw. Mananatili sa device ang mga na-save na transkripsyon nang 3 araw para makopya at ma-paste mo ang mga ito sa ibang lugar. (Hindi sine-save ang mga transkripsyon bilang default.)
• Maghanap sa mga na-save na transkripsyon.
• Pindutin nang matagal ang text sa transkripsyon para kopyahin at i-paste ito.
Mga Kinakailangan:
• Android 6.0 (Marshmallow) at mas bago.
Ginawa ang Instant Transcribe at Mga Notification sa Tunog sa tulong ng Gallaudet University, ang nangungunang unibersidad para sa mga Bingi at may problema sa pandinig sa US.
Sumali sa
https://groups.google.com/forum/#!forum/accessible
para magbigay ng feedback at makakuha ng mga update sa produkto. Para sa tulong sa paggamit sa Instant Transcribe at Mga Notification sa Tunog, makipag-ugnayan sa amin sa
https://g.co/disabilitysupport
.
Abiso sa Mga Pahintulot
Mikropono: Kailangan ng Instant Transcribe ng access sa mikropono para ma-transcribe ang pagsasalita sa paligid. Hindi sino-store ang audio pagkatapos iproseso ang transkripsyon. Kailangan ng Mga Notification sa Tunog ng access sa mikropono para mapakinggan ang mga tunog sa paligid. Hindi sino-store ang audio pagkatapos magproseso.
Serbisyo sa Accessibility: Dahil serbisyo sa accessibility ang app, magagawa nitong obserbahan ang mga pagkilos mo.
Na-update: 2023-03-22
Kasalukuyang Bersyon: 6.4.531132421
Nangangailangan ng Android: Android 6.0 or later